Sa Data,
sasalubungin ka agad ng tipak
ng tricycle driver na ubod ng sipag
sa pagtatawag ng pasahero.1

Sa Ruby,
makasasalubong mo
ang matandang lalakeng
hawak-hawak ang tungkod
na hindi naman dumadapo ang dulo
sa lupa.2

Sa Banahaw,
maririnig mo
ang alulong ng mga asong
sumasabay sa nakamikroponong pag-awit
ng imam.3

At sa Lopez,
kikindatan ka ng magtatakoyaking
kabisado na ang pangalan mo’t
ang huling binili mo
sa tindahan sa likod niya.4

Footnotes

  1. Data St. ↩

  2. Ruby St. ↩

  3. Banahaw St. ↩

  4. Lopez Ave. ↩