ni Phil Levine
May mga bagay
na alam na alam mo. Napakasimple nila at totoo
dapat silang sabihin ng walang karangyaan, sukat o tugma,
dapat silang ilatag sa mesa katabi ng salero,
baso ng tubig, ang karimlan na nagtitipon
sa mga anino ng kuwadro, dapat silang manatiling
hubad at nagiisa, dapat silang tumindig para sa kanilang mga sarili.