Maging mahina ka
Maski paminsansan
Maski palagi
Kung yun ka talaga
Kung yun ang limitasyon mo
Hindi kahinaan ang kahinaan
Ang kahinaan ay ang katotohanan
Sa kasalukuyan
Mahina ka
Pero tulad ng unos
Hindi parating ganito
Hindi mo kailangang labanan
Ang katotohanan
Hindi ito nananakit
Ikaw ang nananakit sa sarili mo
Yakapin mo
Kung ano ang totoo
Sa sarili mo
Sa kasalukuyang ito
Mula sa pagtanggap
Mula sa pagyakap
Sayong tunay na pagkatao
Lahat ng bagay
Iyong magagapi