Minsan, nabasa ko ang isang headline sa isang online na peryodiko—“The End of Books” ang sabi nito. Ipinanukala ng mayakda ang dahandahang paglaho ng pisikal na mga libro, ng mga pabalat na yari sa balat, ng mga pahinang dahandahang naninilaw at lumulutong kapag tumatagal sa istante.

Puti ang mayakdang nagsulat nito kaya hindi na’ko gulat na ang sinabi niya ay hindi eksaktong siyang karanasan ko. Sabi kasi niya, naglalaho na raw ang libro dahil sa paglipana ng mga blog post, social media post, at iba pang maiiksing sulatin na siyang mas tinatangkilik na ngayon ng mga tao. Wala na raw nagbabasa ng mahahabang sulatin.

Iyong kakarampot namang nagbabasa ng libro ay lumilipat na sa mga ebooks.

Hindi ganito ang nangyayari sa libro sa Pilipinas. Pero napapaisip rin ako kung paano namamatay ang mga libro dito. Marami pa rin ang naililimbag taontaon subalit kaunti ang mga nagbabasa. Sa kwarto sa PHSA na para sa mga writing students, parang hindi nahahawakan ang mga librong nasa istante. Maski ako na marami nang nabiling libro ay hindi pa nababasa ang lahat. Paano mananatili ang libro sa Pilipinas?